Biyernes, Setyembre 7, 2012

Ang Pambansang Pampugot (The National Razor)


I.
Execution via Guillotine
Punong-puno ng tao ang masikip na plaza ng isang maliit na bayan. Malapit sa simbahan na linya ang mga sacristan kasama ang pari handa sa mga gamit. Suot ng pari ang sutana at stola na mukhang magmimisa ngunit wala namang altar. Dumating ang isang karwahe. makaraan ng ilang minuto sinundan ito ng isang tropa ng sundalong may dalang sibat at baril. Nagsigawan ang mga tao, may halong mura at sigawang lumalabas sa kanilang bibig halatang galit at poot ang nilalaman ng kanilang mga salita. Mayroon namang nagtapon ng bulok na kamatis, repolyo, mansanas, at iba pang bulok na pagkain. Gumalaw ang mga sundalo tinutukan ng baril at hinarang ng sibat ang mga taong tila bang handa na mag-riot sa plaza. Sa gitna ay isang entablado na yari sa kahoy na may isang bloke ng kahoy na dalawampu’t apat na pulgada ang taas at labing-limag pulgada naman ang kapal. Yari ito sa isang matigas na kahoy sa gubat halatang bago at wala pang kupas ni bakas ng barnis. Lumabas sa karwahe ang isang tao na may suot na chalecong yari sa seda. halata sa pagpikit ng kaniyang mga mata ang tagal nito sa piitan. Halatang-halata sa kaniyang hitsura ang tagal at hirap sa piitan at sa huling sinag ng araw masisilayan ng mga anghel ang siang presong haharap sa hatol ng kamatayan.
            Nagpabendisyon ang bilango sa sa pari na siyan namang binigay at sinamahan ng siang maikling kumpisal. Dinala ito sa entablado ng isang opisyal na todo sa postura suot ang putting pilukang pinulbohan at tinalian ng pukulot-kulot, suot din nito ang isang gintong medalya na nakalagay sa kaniyang dibdib. Suot din nito ang putting-puti na jacket na mayroong pang suot na pulang doublet sa loob. Ipinakita nito sa bilanggo ang blokeng kahoy at isang malaking lalaking mayroong malalaking mga bisig dala ang isang palakol. Pous-vez vous me pardoner? (Mapapatwad mo ba ako?) Tanong nito. Tumango ang bilanggo, senyales na sagot nito’y Qui (oo). Nilatag niya kaniyang leeg sa bloke sabay nagkrus ito. Bumagsak ang palakol. Napunit ang balat at laman. Sumirit ang dugo sa mukha ng berdugong pumupugot. Nanginginig ang bilanggo, gusto nitong sumigaw ngunit pinigilan ng nanonoot na buhay ang boses na sinisigaw ang huling sekundo ng buhay. Isa pa, natanggal ang buto ngunit may natira pang laman. Matigas ang laman ng leeg dahil binabalutan nito ang buto na nagsisilbing koneksyon ng utak sa katawan, Sumirit ang dugo sa mga taong naggigigil sa dugo. Merde (isang murang Pranses) sigaw ng berdugo at sabay nitong pinalakol ang natirang laman sa leeg at nahulog ito nagpagulong-gulong sa lupa ang ulong naubusan na ng dugo.
karaniwan itong eksena sa isang pampukling pagpatay sa bansang Pransiya at sa iba pang bayan. Kadalasanay ay isang maharalika lamang ang pinupugutan ng ulo at ang mga nasa ibabang uri ay binibigti na lamang. Dadaan ang maraming reporma sa lupa, iba’t-ibang mga kautusan, digmaan at mga pangyayari ngunit ang pamamaraan ng pagkitil ay iisa pa rin. Hiwalay ang mayaman sa mahirap

II.

Vive la liberte sigaw ng mahirap habang nagpapaputok ng baril at sinusugod ang kastilyo ng Bastille. Oras na ng pagbabago at pagsira sa luma at bulok na sistema ng mga hari. Vive la egalite sigaw ng madla habang kinikitil ang mga bantay at pinugutan ng ulo ang gobernador ng kastilyo. Vive la revolution, sigaw ng lahat habang sinusugod ang Bastille.
            Hinuli ang hari, kinulong at pina-walang bahala ito ang hatol ng buong bayan: Kamatayan! Ngunit paano? Dito darating si Dr. Guillotin. Isang doctor at director ng kagawaran ng kalinisan si Guillotin. Ayon kay Carlyle, binigay sa kaniya ang trabaho na makagawa ng isang makinang makakapugot ng ulo na walang sakit.[1] Siya namang ginawa ng magiting na doctor at ipinangalan sa sarili na tila na anak nitong babae ang aparatong papatay ng walang habas ito ang La Guillotine. Mayroon itong taas na tatlo hanggang sa limang metro at may malaking blade na nakalagay sa iasng pabigat na umaabot sa lima o anim na kilo. Mahuhulog ito sa ulo ng mabilis at siya namang bagsak nito sa isang lalagyan sumisirit ang dugo ng putol na ulo at leeg na kung minsang ay pumipikit-pikit pa ang mga mata.
            Nakita sa makinang ito na ang pagkapantay-pantay ng lahat ng tao. Ipinanganak na hubad at mamamatay din sa iisang paraan. Itinapon ng guillotine ang lumang sistema ng pagparusa ng kamatayan. Mayaman man o mahirap makikita ang iyong ulo sa loob ng isang basket ang katawan ilalagay na lang sa isang kabaong at ililibing kasama ng iyong ulong nakabalot sa tela. Ito ang hustisyang umuusbong sa ika-18 na siglo. Ito ang ideang inilahad ng mga unang naniwala sa demokrasya, iisang batas at iisang parusa. Nakatayo ang aparato sa iisang entablado naghihintay ng puputalan nitong ulo at siya naman kaluluwa na itatapon sa purgatoryo. Tapos na ang hustisya ng tao simula na ng hustisya ng Diyos. Nakatayo ang aparato, hindi namimili mayaman, mahirap, maharlika, Katoliko, Protestante, may Diyos o walang Diyos. Hihiwain nito ang ulo ng sinumang lalabag sa batas. Wala itong mata, wala itong damdamin. Hindi ito hihingi ng tawad wala itong emosyon. Tatayo ito bilang imahe ng batas na walang kinaiilingan at walang sinasanto. Bulag ang babaeng may hawak ng timbangan ng batas. Hindi ito titingin sa ginto at pilak ng tao. Walang awa nitong ihuhulog ang palakol ng hustisya sa taong hindi susunod sa batas ng bayan. Nakaabang lamang ito sa dulo ng entablado hawak ang taling pumipigil sa pintuan ng mundo ng buhay at ng kabilang buhay at ng hustisya ng tao sa hustisya ng diyos. Tatatak sa ating kamalayan ang aparatong ito bilang simbulo ng pagkapantay-pantay. Iisang batas, iisang parusa iyon ang gustong isigaw ng aparatong gawa sa kahoy at bakal.    


[1] Thomas Carlyle, The French Revolution: A History (New York: Random House, 2002), 106-107, 121.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento