I.
![]() |
Execution via Guillotine |
Punong-puno
ng tao ang masikip na plaza ng isang maliit na bayan. Malapit sa simbahan na
linya ang mga sacristan kasama ang pari handa sa mga gamit. Suot ng pari ang sutana
at stola na mukhang magmimisa ngunit wala namang altar. Dumating ang isang
karwahe. makaraan ng ilang minuto sinundan ito ng isang tropa ng sundalong may
dalang sibat at baril. Nagsigawan ang mga tao, may halong mura at sigawang
lumalabas sa kanilang bibig halatang galit at poot ang nilalaman ng kanilang
mga salita. Mayroon namang nagtapon ng bulok na kamatis, repolyo, mansanas, at
iba pang bulok na pagkain. Gumalaw ang mga sundalo tinutukan ng baril at
hinarang ng sibat ang mga taong tila bang handa na mag-riot sa plaza. Sa gitna
ay isang entablado na yari sa kahoy na may isang bloke ng kahoy na dalawampu’t
apat na pulgada ang taas at labing-limag pulgada naman ang kapal. Yari ito sa
isang matigas na kahoy sa gubat halatang bago at wala pang kupas ni bakas ng
barnis. Lumabas sa karwahe ang isang tao na may suot na chalecong yari sa seda.
halata sa pagpikit ng kaniyang mga mata ang tagal nito sa piitan.
Halatang-halata sa kaniyang hitsura ang tagal at hirap sa piitan at sa huling
sinag ng araw masisilayan ng mga anghel ang siang presong haharap sa hatol ng
kamatayan.
Nagpabendisyon ang bilango sa sa
pari na siyan namang binigay at sinamahan ng siang maikling kumpisal. Dinala
ito sa entablado ng isang opisyal na todo sa postura suot ang putting pilukang
pinulbohan at tinalian ng pukulot-kulot, suot din nito ang isang gintong
medalya na nakalagay sa kaniyang dibdib. Suot din nito ang putting-puti na
jacket na mayroong pang suot na pulang doublet
sa loob. Ipinakita nito sa bilanggo ang blokeng kahoy at isang malaking
lalaking mayroong malalaking mga bisig dala ang isang palakol. Pous-vez vous me pardoner? (Mapapatwad
mo ba ako?) Tanong nito. Tumango ang bilanggo, senyales na sagot nito’y Qui (oo). Nilatag niya kaniyang leeg sa
bloke sabay nagkrus ito. Bumagsak ang palakol. Napunit ang balat at laman.
Sumirit ang dugo sa mukha ng berdugong pumupugot. Nanginginig ang bilanggo,
gusto nitong sumigaw ngunit pinigilan ng nanonoot na buhay ang boses na
sinisigaw ang huling sekundo ng buhay. Isa pa, natanggal ang buto ngunit may
natira pang laman. Matigas ang laman ng leeg dahil binabalutan nito ang buto na
nagsisilbing koneksyon ng utak sa katawan, Sumirit ang dugo sa mga taong
naggigigil sa dugo. Merde (isang
murang Pranses) sigaw ng berdugo at sabay nitong pinalakol ang natirang laman
sa leeg at nahulog ito nagpagulong-gulong sa lupa ang ulong naubusan na ng
dugo.
karaniwan
itong eksena sa isang pampukling pagpatay sa bansang Pransiya at sa iba pang
bayan. Kadalasanay ay isang maharalika lamang ang pinupugutan ng ulo at ang mga
nasa ibabang uri ay binibigti na lamang. Dadaan ang maraming reporma sa lupa,
iba’t-ibang mga kautusan, digmaan at mga pangyayari ngunit ang pamamaraan ng
pagkitil ay iisa pa rin. Hiwalay ang mayaman sa mahirap
II.
Vive la liberte
sigaw ng mahirap habang nagpapaputok ng baril at sinusugod ang kastilyo ng
Bastille. Oras na ng pagbabago at pagsira sa luma at bulok na sistema ng mga
hari. Vive la egalite sigaw ng madla
habang kinikitil ang mga bantay at pinugutan ng ulo ang gobernador ng kastilyo.
Vive la revolution, sigaw ng lahat
habang sinusugod ang Bastille.
Hinuli ang hari, kinulong at
pina-walang bahala ito ang hatol ng buong bayan: Kamatayan! Ngunit paano? Dito
darating si Dr. Guillotin. Isang doctor at director ng kagawaran ng kalinisan
si Guillotin. Ayon kay Carlyle, binigay sa kaniya ang trabaho na makagawa ng
isang makinang makakapugot ng ulo na walang sakit.[1]
Siya namang ginawa ng magiting na doctor at ipinangalan sa sarili na tila na
anak nitong babae ang aparatong papatay ng walang habas ito ang La Guillotine. Mayroon itong taas na
tatlo hanggang sa limang metro at may malaking blade na nakalagay sa iasng
pabigat na umaabot sa lima o anim na kilo. Mahuhulog ito sa ulo ng mabilis at
siya namang bagsak nito sa isang lalagyan sumisirit ang dugo ng putol na ulo at
leeg na kung minsang ay pumipikit-pikit pa ang mga mata.
Nakita sa makinang ito na ang
pagkapantay-pantay ng lahat ng tao. Ipinanganak na hubad at mamamatay din sa
iisang paraan. Itinapon ng guillotine ang lumang sistema ng pagparusa ng
kamatayan. Mayaman man o mahirap makikita ang iyong ulo sa loob ng isang basket
ang katawan ilalagay na lang sa isang kabaong at ililibing kasama ng iyong
ulong nakabalot sa tela. Ito ang hustisyang umuusbong sa ika-18 na siglo. Ito
ang ideang inilahad ng mga unang naniwala sa demokrasya, iisang batas at iisang
parusa. Nakatayo ang aparato sa iisang entablado naghihintay ng puputalan
nitong ulo at siya naman kaluluwa na itatapon sa purgatoryo. Tapos na ang
hustisya ng tao simula na ng hustisya ng Diyos. Nakatayo ang aparato, hindi
namimili mayaman, mahirap, maharlika, Katoliko, Protestante, may Diyos o walang
Diyos. Hihiwain nito ang ulo ng sinumang lalabag sa batas. Wala itong mata,
wala itong damdamin. Hindi ito hihingi ng tawad wala itong emosyon. Tatayo ito
bilang imahe ng batas na walang kinaiilingan at walang sinasanto. Bulag ang
babaeng may hawak ng timbangan ng batas. Hindi ito titingin sa ginto at pilak
ng tao. Walang awa nitong ihuhulog ang palakol ng hustisya sa taong hindi
susunod sa batas ng bayan. Nakaabang lamang ito sa dulo ng entablado hawak ang
taling pumipigil sa pintuan ng mundo ng buhay at ng kabilang buhay at ng
hustisya ng tao sa hustisya ng diyos. Tatatak sa ating kamalayan ang aparatong
ito bilang simbulo ng pagkapantay-pantay. Iisang batas, iisang parusa iyon ang
gustong isigaw ng aparatong gawa sa kahoy at bakal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento